-- Advertisements --

Tinapos na ni Dallas Mavericks head coach Rick Carlisle ang kanyang 13 pagiging head coach ng koponan.

Ginawa ni Carlisle ng hakbanag makaraang sibakin ng longtime president ng basketball operations Donnie Nelson ang dalawang sa kanilang key figures mula sa 2010-2011 championship team.

Ayon naman kay Carliste kinausap na rin daw niya ang may-ari ng Dallas na si Mark Cuban na hindi na siya babalik bilang head coach ng team.

Sinasabing malalim ang samahan ng dalawa.

Si Carlisle, 61, ang ikatlo sa tinaguriang “NBA’s third-longest-tenured head coach” kasama sina San Antonio’s Gregg Popovich at Miami Heat Erik Spoelstra.

Hawak din niya ng 555-478 record sa loob ng 13 seasons sa Dallas para iposte ang franchise record bilang winningest coach.

Sa ilalim niya umabot na rin ang team sa siyam na playoff runs at nakopo ang 2011 NBA championship.