pacquiao buboy
Head trainer Buboy Fernandez with Sen. Manny Pacquiao in training

Hawak pa rin ng boxing coach at matalik na kaibigan ni Manny Pacquiao na si Buboy Fernandez ang kalamangan sa pagiging vice mayor ng Polangui sa Albay.

Mayroong mahigit 2,000 boto ang kalamangan ni Fernandez na kasalukuyang konsehal, laban sa kaniyang katunggali na si Atom Borja.

Samantala, nagwagi naman sa pagka-alkalde ng Bulakan, Bulacan si PBA legend Vergel Meneses.

Ito na ang pangatlong beses na tumakbo sa pagka-mayor ang 3-time PBA champion at ngayon lamang nanalo.

Ilang mga PBA players din ang nakapasok sa pagka-konsehal sa iba’t ibang bayan.

Pasok sa pagkakonsehal ng second district ng Cebu City si San Miguel Beermen player Dondon Hontiveros.

Nangunguna naman sa pagkakonsehal ng ikatlong distrito ng Quezon City si UAAP coach Franz Pumaren.

Tiyak din ang pagpasok sa pagkakonsehal ng San Fernando City sa Pampanga si dating PBA MVP Ato Agustin habang pasok si dating Purefoods player Paul Artadi sa San Juan at nabigo naman si PBA veteran Don Allado ng San Juan.

Si national coach at dating PBA champion Yeng Guiao, ay hindi naman umubra kay Jon Lazatin sa pagka-congressman sa first district ng Pampanga batay sa partial unofficial results ng KBP-PPCRV count