Iloilo City Hall
-- Advertisements --

ILOILO CITY – Iniimbestigahan ng Commission on Audit ang umano’y mga casual employees at job orders sa Sangguniang Panlalawigan ng Iloilo kasunod ng report na may mga ghost employees na napasama sa payroll.

Simula nitong Hunyo 24 hanggang Hulyo 2, kailangang mag report sa Commission on Audit ang lahat ng Job Order at Contract of Service workers para sa interview.

Nauna ng isiniwalat ni Remus Solas na dating empleyado ni Liga ng mga Barangay President at ex-officio Board Member Dorothy Paes na mayroong kumukuha ng kanyang suweldo kahit na noong 2018 pa ang effectivity ng kanyang resignation.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Iloilo kay Iloilo 5th District Board Member Carol-V Espinosa- Diaz, sinabi nito na walang problema sa kanya ang isinasagawang imbestigasyon.

Nanindigan rin ang opisyal na legal ang lahat ng empleyado na nagtatrabaho sa kayang opisina.

-- Advertisement --