-- Advertisements --

Muling gumana ang veteran superstars ng Los Angeles Clippers na sina Kawhi Leonard para makaisa na rin ng panalo laban sa Dallas Mavericks, 118-108.

Gayunman abanse pa rin ang Mavs sa serye, 2-1 sa nagpapatuloy na first round ng NBA playoffs.

Tumipon si Leonard ng 36 points habang si George ay umabot na ng 22 points na kanyang naipasok sa first half pa lamang sa kanyang kabuuang 29 points.

Nabaliwala naman ang matinding opensa na muling ipinakita ng 22-anyos na Mavs star na si Luka Doncic na nagpakawala ng 44 big points, 9 rebounds at 9 assists kung saan dumadagundong ang arena ng Dallas tuwing siya ay makaka-shoot.

Sa dami ng mga fans na umabot sa 17,705, nagmistula itong party upang suportahan ang kanilang koponan.

Umaasa si Doncic sa kanyang unang playoffs game na sa pagsapit sa Game 4 ay hindi pa rin mawala ang mga fans dahil titiyakin daw niya na makakabangon sila.

Ang next game ay gagawin sa Lunes.