Target ng mga researchers na masimulan na sa katapusan ng Mayo ang clinical trials sa ivermectin bilang potential treatment drug sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Jaime Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research Development sa DOST, maaring abutin ng hanggang anim na buwan ang pag-aaral nila sa anti-parasitic drug na ito.

Bago ang kanilang pag-aaral, kinailangan muna aniya ng mga researchers nang approval mula sa iba’t ibang government bodies tulad ng Food and Drugs Administration, ethics board, at iba pa.

Ang mga pasyente namang sasali sa clinical trials ay bibigyan ng consent forms.

Sakaling makaranas sila ng adverse effects sa period ng clinical trials, sinabi ni Montoya na entitled ang mga pasyente sa kanilang indemnity claim.

Bukod dito, gagamutin din aniya ang mga pasyenteng ito anuman ang dahilan kanilang kanilang posibleng sapitin na kondisyon.

Magugunita na noong Lunes ay inanunsyo ni Science and Technology Secretary Fortunato dela Peña na magsasagawa ng clinical trials ang Pilipinas para i-assess kung ang anti-parasitic drug na ivermectin ay maaring gamitin sa paggamot ng mga COVID-19 patients.

Ang pag-aaral na ito ay papangunahan ni Dr. Aileen Wang sa Philippine General Hospital quarantine center.