NAGA CITY – Nilinaw ni Interior Sec. Eduardo Año na bagama’t tapos na ang 60 araw na palugit, magpapatuloy par in ang clearing operation sa lahat ng public roads sa buong bansa.
Ito ang tiniyak ni Año kasabay ng pagbisita nito saLlungsod ng Naga para sa pagbubukas ng ikaanim na Justice Zone sa bansa.
Sa pagharap ng kalihim sa mga kagawad ng media, sinabi nitong ang 60 araw na palugit para sa road clearing ay isinagawa upang sabay -abay na malinisan ang lahat ng mga kalsada.
Inaasahan din ni Año na tatalima ang mga opisyal mula sa ibat-ibang mga departamento na naatasan na magsagawa ng report pagkatapos ng monitoring at inspection.
Sa tulong aniya ng naturang mga reports, makikita kung pasado o hindi ang isang lugar sa isinagawang road clearing operations.
Pagbabasehan ang mga parameters na pag-iimbentaryo, actual clearing, pagpapatupad ng ordinansa, resolusyon at ang pag-aaddress sa mga may ari ng mga nasirang imprastraktura na apektado ng naturang aktibidad.