-- Advertisements --

Ipapatupad ang suspensiyon ng klase at liquor ban sa araw ng Lunes, Hulyo 28 kasabay ng pagdaraos ng ikaapat na ulat sa bayan o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa bisa ng executive order no. 10 series of 2025, ipinag-utos ni QC Mayor Joy Belmonte ang suspensiyon ng klase sa lahat ng antas sa lungsod dahil sa inaasahang pagsasara ng ilang kalsada dahil sa SONA na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.

Inatasan naman ang iba’t ibang ahensiya at kagawaran na tumulong sa pagpapatupad ng kautusan at striktong i-adopt at ipatupad ang mga security measure.

Samantala, ipapairal din ang liquor ban epektibo alas-12:01 ng madaling araw hanggang alas-6:00 ng gabi sa Lunes.

Nakatakdang ipakalat naman ang nasa 12,000 kapulisan sa Lunes para tiyakin ang seguridad sa SONA.