Utah Jordan clarkson
Utah’s Jordan Clarkson (photo from @utahjazz)

Sama-sama ng puwersa sina Bojan Bogdonovic na may 31 points, Rudy Gobert na nagdagdag ng 21 points at 14 rebounds at si Fil Am Jordan Clarkson na nagpakita ng 23 points upang itumba ng Utah Jazz ang Washington Wizards, 127-116.

Ito na ang ika-siyam na straight victory ng Jazz.

-- Advertisement --

Kung tutuusin ika-14 na ito sa huling 15 games ng Utah na tumibay pa sa paglipat ni Clarkson upang umakyat sila sa ikalawang puwesto sa Western Conference.

Ang panalo ng Jazz ay sa kabila na hindi naglaro ang kanilang scoring leader na si Donovan Mitchell dahil sa merong sakit.

Umabot sa anim na mga players ang tumirada ng double figures kung saan si Clarkson ay nagpasok ng 17 puntos sa second half lamang mula sa kanyang kabuuang 23 points.

Pinuri tuloy ni Gobert ang pamamayagpag ni Clarkson na dating naglaro sa Gilas Pilipinas dahil sa end game heroics nito.

Bago ito ay nagtala rin ng dalawang beses na merong 20 puntos si Clarkson.

Sa kampo ng Wizards balik na si Bradley Beal na nagtapos sa 25 points nakalipas na limang games na hindi nakapaglaro.

Samantala, sunod na misyon ng Jazz ay laban sa Brooklyn sa Miyerkules.

Ang Wizards naman ay haharap sa Chicago sa Huwebes.