-- Advertisements --
Naghahanda na sina CJ Perez at Moala Tautuaa para sa double duties dahil pinayagan na ang pagsasagawa ng ensayos sa 3×3 team bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournaments.
Makakasama ni Perez ang kaniyang team mates sa Terra Firma o dating Columbian Dyip habang sa San Miguel Beer naman si Tautuaa.
Sa buwan naman ng Setyembre ay kasama sila sa pagsisimula ng national duties nila na binubuo nina Alvin Pasaol at Joshua Munzon sa 3×3 basketball.
Magugunitang iniurong ang mga laro sa Olympic Qualifying Tournament sa India at ito ay gagawin sa Austria sa Mayo 2021.
Nasa Group C ang Pilipinas na makakaharap ang Slovenia, France, Qatar at Dominican Republic.