Humiling na ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa International Criminal Plice Organization (Interpol) para mag-isyu ng red notice laban kay dating presidential spokesman Atty. Harry Roque.
Kinumpirma ito ni CIDG Director Major Gen. Nicholas Torre III.
Nauna ng nagpadala ng tracker teams ang CIDG para arestuhin ang nasa 50 iba pang kapwa akusado ni Roque, kabilang na si Cassandra Li Ong na ini-imbestigahan dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).
Maaalala din na inisyuhan ng Angeles City Regional Trial Court Branch 118 ng arrest warrant si Roque noong Mayo 15 dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.
Nag-ugat ang kaso laban kina Roque, Ong at sa 49 na iba pa sa isinampa ng Department of Justice noong Abril dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa operasyon ng scam hub na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.