-- Advertisements --
employees workers govt

Matatanggap na ng 1.5 million empleyado ng pamahalaan ang kanilang Christmas bonus, pati na ang karagdagang P5,000 cash gift, simula ngayong linggo.

Ayon kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, chairman ng House Committee on Public Accounts, base ito sa Salary Standardization-5 (Republic Act 11466) na nagsasabi na tuwing Nobyembre ibibigay ang yearend bonus ng mga government employees.

“I am assuming that the budget secretary has released the funds needed for the payment of the government workers’ Christmas bonus and P5,000 cash gift,” ani Defensor.

Ayon kay Defensor, kung available na sa ngayon ang pondo, maari nang ibigay ng mga ahensya ng pamahalaan ang bonus ng kanilang mga empleyado simula Nobyembre 15.

Dahil ang araw ng sahod ay saktong tatama sa araw ng Linggo, sinabi ng kongresista na maaring ibigay na lamang ng advance ito para sa mga manggagawang may four-day workweek, o sa Biyernes para naman sa may usual five-day work schedule.

Noong 2019, kalagitnaan ng Nobyembre nang ipinamahagi ng karamihan sa mga ahensya ng pamahalaan ang bonus ng kanilang mga empleyado.

Kasabay nito ay hinimok naman ni Defensor ang pribadong sektor na ibigay na rin ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado ng mas maaga.