-- Advertisements --
Christina Aguilera

Isang energetic performance ang ipinakita ng American singer-songwriter na si Christina Aguilera para sa pagsalubong ng Bagong Taon sa New York.

At tulad ng nakagawian, isinagawa pa rin ang sabayang paghalikan ng mga couples pagpatak ng 12 midnight sa kanila o ala-1:00 ng hapon oras sa Pilipinas.

Kasabay ng countdown, star-studded ang kaliwa’t kanang programa partikular sa tanyag na Times Square kung saan mahigit umano sa isang bilyong katao ang nag-abang lalo na sa iconic ball drop na naging tradisyon na simula noong 1907.

Ngayong taon, sinasabing 2,688 Waterford triangles ang taglay na siyang nagpakinang sa crystal ball na 12 feet ang lapad habang 11,875 pounds ang bigat.

Una rito, naging makulay at pabonggahan ng kani-kanilang fireworks display ang iba’t ibang bansa para sa pagpasok ng taong 2020.

Karamihan sa mga international events ng New Year’s Eve ay isinagawa sa landmark ng bawat bansa.

Tulad sa London Eye, Ortakoy Square sa Istanbul, Spasskaya Tower sa Red Square ng Moscow, Parthenon temple sa Acropolis hill ng Greece, Marina Bay ng Singapore, Tsim Sha Tsui district sa Hong Kong, Harbour Bridge and Opera House ng Sydney, Burj Khalifa ng Dubai na siyang pinakamataas na gusali sa buong mundo, at iba pa.

Indonesia New Year
Indonesia; (C) rex

(featured (front) photo from skynews)