CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-emergency landing ang chopper na sinasakyan ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa Sitio Cala-Cala, Barangay Macasandig sa Cagayan de Oro City nitong hapon lamang.

Ito ay matapos makaranas ng ilang technical difficulty ang chopper na sinasakyan nito dahil sa matinding pag-ulan na dala ng low pressure area na namataan sa Caraga region.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Macasandig Police Station commander Police Capt. Teodoro de Oro na papunta umanong Camp Alagar ang chopper ng heneral nang magkaroon ng “zero visibility” ang lugar na dinaanan nito.

Agad namang nakabawi ang piloto at ligtas na naipalipad muli ang helicopter patungo sa Police Regional Office-10 nitong lungsod.

Si Albayalde ay nakatakdang makipagkita sa top officials ng PRO-10 sa syudad bukas.