Nagsagawa ng kakaiba at surpresang pagbisita si Chinese President Xi Jinping sa Tibet.
Dinaluhan nito ang ika-60 taon na pagtataguyod ng Tibet Autonomous Region kung saan naging makulay ang isinagawang seremonya.
Ikinaway ng mga Tibetians ang bandila ng China habang nag-martsa ang mga People’s Liberation Army habang bitibit ang kanilang mga armas sa Potala Palace.
Ang 72-anyos na si Xi ay itinuturing na pinakamatandang Chinese leader na bumisita sa Lhasa ang capital ng Himalayan region.
Huling binisita nito ang lugar ay noong 2021 ng ipagdiwan ang ika-70 taon an “peaceful liberation”noong kontrolin ng mga sundalo ng China ang rehiyon.
Mula kasi ng maupo sa puwesto si Xi ay pinalakas na nito ang seguridad sa rehiyon kung saan hinikayat niya ang mga Tibetian na sumunod sa kaniyang panunungkulan.