-- Advertisements --
Tiniyak ni Chinese President Xi Jinping na pananatilihin pa rin nila ang kapayapaan at susundin pa rin nila ang mga batas sa ibang bansa.
Ito ay kahit na nagpahayag ng pangamba ang US at ibang bansa dahil sa ginagawang pagiging agresibo ng China.
Sa kaniyang talumpati sa 50th anibersaryo ng pagbabalik ng China sa United Nations na magiging tagapagtaguyod ng kapayapaan at protector ng international order ang China.
Nanawagan din ito sa mga bansa ng pakikiisa para mawakasan na ang anumang hindi pagkakaintindihan.
Ang naging pahayag ni Xi ay isinagawa ilang linggo matapos na akusahan ng Taiwan ang China sa pagpapalipad nila ng mga eroplanong pandigma sa kanilang air space.