-- Advertisements --

Lumipad na pabalik ng China ang kanilang medical experts na bumisita ng Pilipinas para bigyan ng tulong at rekomendasyon ang gobyerno laban sa COVID-19.

Pinangunahan nina Department of Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at Health Sec. Francisco Duque III ang send-off sa 12-man medical team sa Ninoy Aquino International Airport nitong hapon.

Sa nakalipas na dalawang linggo, binista ng mga eksperto ang ilang ospital at pasilidad na kasalukuyang ginagamit para sa COVID-19 response.

Kung maaalala, isa sa naging komento ng medical team ang umano’y manipis na tsansang mabali ng Pilipinas ang pagkalat ng sakit kung hindi magtatayo ng isang ospital na eksklusibo para sa COVID-19 cases.