Nagsagawa ng medical evacuation (MEDEVAC) ang Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM) para sa isang Chinese crew ng barkong “MV Shandong Propellant” na nakarehistro sa Hong Kong at nasa tubig malapit sa Bengo Wharf, Zamboanga City.
Nakatanggap umano ng distress call ang mga otoridad mula sa isang Roselle Rafa, na nag-ulat ukol sa kondisyon ng dayuhan.
Agad na inilunsad ng PCG ang MEDEVAC operation upang matiyak ang mabilis at maayos na pagresponde.
Ang BRP Capones (MRRV-4404) ang ginamit bilang pangunahing sasakyang pang-rescue, kung saan ligtas na nailikas ang crew, nabigyan ng paunang lunas, at dinala sa ambulansya patungo sa Brent Hospital sa Zamboanga City.
Patuloy ang CGDSWM sa kanilang misyon na tiyakin ang kaligtasan sa karagatan sa pamamagitan ng maagap at propesyonal na emergency response.
Marami naman ang pumuri sa PCG sa makataong hakbang na ginawa nila para sa dayuhan.