Nakaligtas sa tangkang pagdukot ang isa sa pinakamayamang tao sa China na si He Xiangjan.

Si He ay bilyonaryong may-ari ng Midea Group, ang pinakamalaking home appliance manufacturers.

Ayon sa kapulisan, nakatanggap sila ng ulat na pinasok ng limang katao ang bahay ni He sa Foshan City sa southern Guangdong province.

Sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nakatakas ang anak ng biktima at ito ay lumangoy sa tabing ilog para makahingi ng tulong.

May dalang mga pampasabog pa ang mga suspek ng pinasok ang nasabing bahay ng biktima na agad namang itong napigilang ng mga rumespondeng kapulisan.

Si He Xiangjian ay isa sa pinakamayamang tao sa China na sinasabing mayroong $24.8 billion ang kabuuang yaman nito at pang-36 sa pinakamayamang tao sa buong mundo ayon na rin sa listahan ng Forbes.

Itinaguyod niya ang Midea noong 1968 sa edad 26.