Hindi na naitaboy ng China ang barkong pandigma ng US na pumasok umano sa karagatang nasasakupan nila.
Ayon Southern Theatre Command ng People’s Liberation Army na iligal umanong naglayag ang USS Benfold sa Chinese territorial waters ng walang paalam.
Binalaan nila ang US na agad na itigil ang anumang hakbang na magdudulot ng kaguluhan dahil hindi aniya nila ito palalampasin.
Paliwanag naman ng US Navy na naglayag lamang sila sa Paracel Island ng West Philippine Sea.
Tinawag ni US 7th Fleet spokesman Mark Langford ang pahayag ng China na pawang kasinungalingan.
Nagsasagawa aniya ng USS Benfold ng freedom of navigation operations na naaayon sa international law.
Ito na ang pangalawang beses na naglayag ang USS Benfold sa mga isla na inaangkin ng China dahil noong nakaraang Martes ay naglayag sila sa Spratly Island.
Magugunitang naglagay na ng mga military outpost sa ilang mga isla ng West Philippine Sea.