-- Advertisements --
Tiniyak ng China na magpapatuloy ang kanilang pagbibigay ng mga COVID-19 vaccines bilang donasyon sa Pilipinas.
Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, dahil sa malaki ang pangangailangan ng Pilipinas ng mga bakuna kay nagdesisyon ang mga ito na magbigay ng karagdagang pang mga bakuna.
Hindi naman nito binanggit kung gaano karami ang bakunang ibibigay sa bansa.
Magugunitang karamihang mga bakuna na ginagamit sa bansa ay galing sa China.
Mayroong halos 33- milyon ang natanggap ng bansa na bakuna at 18.5 milyon nito ay galing sa China.