-- Advertisements --

Niluwagan ng China ang visa applications sa sinumang nais na makapunta sa bansa nila.

Ayon sa Chinese embassy, ang sinumang indibidwal na naturukan na ng COVID-19 vaccine na gawa ng China ay maaari nilang payagan kapag nagtuloy-tuloy na ang pagbiyahe.

Magugunitang sinimulan na ng gobyerno ng Pilipinas ang vaccination program noong Marso 1 kasabay ng pagdating ng nasa 600,000 na doses ng Sinovac Biotech vaccine, CoronaVac na donasyon ng China at nakatakda ring bumili ang Pilipinas ng 25 milyon doses ng CoronaVac.

Nauna nang inanunsiyo ng China noong Marso 13 na babawasan nila ang pagpoproseso ng visa sa mga dayuhan sa Hong Kong para sa tuloy-tuloy na pagbabalik sigla ng ekonomiya.