-- Advertisements --
Muling binanatan ng China ang US dahil sa patuloy na pag-akusa sa kanila na sinadya nila ang pagkalat ng coronavirus sa buong mundo.
Sinabi ni Chinese foreign minister Wang Yi, na nagpapakalat lamang ng conspiracies at kasinungalingan ang US.
Maari daw aniya na naapektuhan ng ‘political virus’ ang US kaya ganun na lamang ang pagtingin nila sa China.
Dagdag pa nito na may ilang political forces sa US ang tila hinohostage nila ang relasyon ng China at US.
Karamihang mga kasinungalingan at imbento lamang ang nasabing alegasyon sa kanila.
Magugunitang makailang beses na inakusahan ni US President Donald Trump ang China na tila pinagtatakpan nila ang nasabing pagkalat ng virus.