Malapit na umanong maabot ng China ang one billion na doses ng COVID-19 vaccine ang maituturok.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa mahigit 950 milyon doses na ang kanilang naiturok na tatlong beses na mas marami kaysa sa US o halos 40 percent ng 2.5 bilyon shots ang naibigay sa buong mundo.
Ang nasabing bilang din ay nagbigay ng kakaibang pagkilala sa China dahil sa mabagal na pagsisimula ng mga pagpapabakuna.
Una kasing naabot ng China ang 1 milyon doses na nabakunahan noong Marso 27 dalawang linggo na mas nauna ang US.
Binilisan ng kanilang gobyerno ang kanilang pagpapabakuna kung saan nitong Mayo ay umabot na sa 500 milyon doses na ang naiturok.
Dahil sa takot na muling pagkalat ng virus kaya binilisan ng gobyerno ng China ang pagpapabakuna kung saan target nilang mabakunahan ang lahat ng 1.4 billion na popolasyon ng kanilang bansa.
















