-- Advertisements --

Magbibigay ang China ng mahigit $2.4 milyon na donasyon at emergency supplies sa mga nasalanta ng bagyong Uwan at Tino.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Lin Jian na maging ang mga probinsiya ng China ay magbibigay din ng tulong na idadaan sa mga sister provinces.

Naniniwala ito na agad na makakabangon ang Pilipinas mula sa pagkakadapa dahil sa nagdaang bagyo.

Sinabi naman ng Chinese Embassy sa Manila na ang tulong ay kinabibilangan ng $1-milyon sa cash at $1.4-M sa tulong materyal.