-- Advertisements --

Nakatanggap ang Myanmar ng mga helicopters mula sa Russia at eroplanong pandigma mula sa China.

Ang dalawang bansa ay patuloy na nagsusuplay sa Myanmar na pinapatakbo ng militar kahit na may pressure mula sa iba’t-ibang bansa.

Ipinakita ng Military Junta sa Myanmar ang natanggap nilang tatlong Russian Mi-38T helicopters at dalawang Y-8 aircraft mula sa China.

Ang nasabing mga sasakyang panghimpapawid ay gagamitin sa mga bulubunduking lugar ng Myanmar.

Sinabi ni Senior Gen. Min Aung Hlaing, ang namumuno sa military government na Myanmar na mahalaga ang military supplies na ibinibigay ng kanilang kaalyadong bansa.

Magugunitang pinatawan ng sanctions ng US at European Union ang Myanmar na kinabibilangan ang pagbenta ng mga armas militar.