-- Advertisements --

Binalaan ng China ang US na tigilan na ang pangingialam sa darating na Winter Olympics.

Bilang unang lungsod na magiging host ng Winter at Summer Games ay umaasa ang Beijing na magiging matagumpay ang torneo.

Una kasing inalmahan ng China ang ginawang diplomatic boycott ng US na ginaya na rin ng ibang mga bansa.

Sinabi ni Chinese foreign miniser Wang Yi na ang prioridad nila ngayon ay dapat tigilan na ng US ang pangingialam sa nasabing Winter Olympics.

Magugunitang sumunod na rin ang ibang mga bansa na nagpahayag ng diplomatic protest dahil sa nagaganap na genocide sa mga Uyghur Muslim minority group sa Xinjiang China.

Magsisimula ang Winter Olympics sa Pebrero 4 hanggang 20.