-- Advertisements --

Binago ng China ang ilang panuntunan sa pagboto ng mga residente ng Hong Kong.

Ilan sa mga dito ay ang pagbawas sa halos kalahati ang mga uupo sa posisyon at dapat ang mga tatakbong miyembro ng parliyamento ay tapat sa China.

Tanging ang mga makabayan lamang ang maaaring tumakbo sa nasabing posisyon.

Dahil dito ay maraming mga kritiko ang nangngamba na matatanggal na ang mga oposisyon sa city parliament.

Paliwanag naman ni Hong Kong leader Carrie Lam nais nilang salain mabuti ang mga political views ng mga tatakbo sa iba’t-ibang posisyon.

Dapat aniya na ipakita ng isang kandidato ang kaniyang pakikipag-alyansa sa Hong Kong at panghawakan ang batas.

Ipapatupad aniya ang pagbabago sa pagboto ng Legislative council pagdating ng Disyembre.