-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang joint military exercise ang Russia at China.

Isinasagawa ito sa north-central China na magtatagal ng hanggang Agusto 13.

Ang Sibu/Cooperation -2021 drill sa sa Ningxia regions ay isa umanong sensyales na pagpapalawig ng dalawang bansa ng kanilang military cooperation.

Ayon sa Russian defense ministry na bubuuin ang nasabing military exercise ng 10,000 na mga sundalo.

Nagpadala ang Russia ng kanilang Sukhoi Su-30SM fighter aircraft, motorised rifle units at air defense system para paigitingin ang kanilang counter-terrorism.

Nauna ng nagsagawa ng military drills ang Russia sa Tajikistan kasama ang Uzbek at Tajik forces malapit sa Afghan border