godod1 1

Arestado sa isinagawang entrapment operation ng PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ang Chief of Police ng Godod, Zamboanga del Norte dahil sa robbery-extortion.

Kinilala ni PNP-IMEG director B/Gen. Ronald Lee ang arestadong opisyal na si Capt. Haran Ulah, ang hepe ng Godod Municipal Police Station.

Ang operasyon ay base sa reklamo ng isang Jose Abarca na hiningan umano siya ni Capt. Ulah ng P10,000 bilang protection money noong May 29, 2020 para makapag-treasure hunting sa Sitio Riverside, Brgy Raba sa nasabing lugar.

Huli sa akto si Capt. Ulah na tumanggap ng P5,000 marked money mula sa complainant.

godod2

Tiniyak ni Gen. Lee na hindi titigil ang IMEG sa kanilang kampanya sa internal cleansing campaign kahit nasa COVID-19 pandemic and bansa.

Nananawagan naman si Lee sa publiko na patuloy ireport sa kanila ang mga anomalya o iligal na aktibidad na kinasasangkutan ng mga pulis.