Nagsagawa muli ng demo o simex ang Philippine National Police (PNP) sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III katuwang si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ngayong araw sa mismong PNP Command Center.
Ilan lamang sa mga nasubukang punthan lugar sa naging simex ay ang Barangay Sta Cruz, sa Mexico Pampanga, Barangay Talon Singko sa Las Pinas City at Davao Oriental.
Ang naging simex ay kaugnay pa rin sa plano ng Pambansang Pulisya at ng DILG na gawing unified ang pagpapatupad ng 911 emergency hotline.
Maliban naman sa mga police emergencies ay maaari na rin tumawag sa 911 kung mayroong mga emerhensiya na may kaugnayan sa health issues gaya ng mental health, ulat trapiko at mga krimen na nagyayari sa loob ng tahanan o maski sa komunidad.
Samantala, inaasahan naman na magiging fully operational na ang unified system ng 911 emergency hotline sa pangalawang linggo ng Agosto ngayong taon.