-- Advertisements --

Sasailalim pa sa obserbasyon ang tatlong bagong “long bones” mula sa unang sako na naglalaman ng 45 mga buto na unang narekober mula sa retrieval operations ng Philippine Coast Guard Southern Tagalog.

Sa ngayon ay hindi pa makumpirma kung buto ng tao ang tatlo at posible pa ring mailagay bilang non-human origin ang mga naturang buto.

Ayon sa Philippine National Police Forensic Group (PNPFG), ang tatlo ay maliban pa sa naunang anim na butong naiulat na posibleng mula sa tao.

Samantala, ang pangalawa at pangatlong sako na narekober naman mula sa lawa ay pawang mga naglalaman ng mga debris habang ang huling dalawang sako na naiahon mula sa Taal Lake ay naglalaman ng 46 na mga buto kung saan mula nanggaling ang anim na hinihinalang mga buto ng tao.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim pa rin sa drying ang mga buto matapos na malubog ng apat na taon sa tubig.

Ayon pa sa PNPFG, hindi maaaring madaliin ang proseso na ito upang maiwasang masira pa lalo ang integridad ng mga buto.