-- Advertisements --

Aminado ang Department of Justice na kanilang hindi pa naihahain ang mga kaso laban kay Charlie ‘Atong’ Ang at iba pa sa korte kaugnay sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, kanyang nilinaw na plano pa lamang itong isampa bilang kaso matapos ang paglabas ng resolusyon.

Aniya’y kasalukuyang pang isinasapinal o inaayos ang mga impormasyon at dokumento bago ang pormal na paghahain ng mga kaso sa kaukulang korte.

Posible raw itong maisakatuparan sa susunod na linggo at maisampa sa magkakahiwalay na korte ng Batangas, Laguna at Paranaque.

Subalit, kanyang sinabi na hihilingin naman sa Office of the Court Administrator upang pag-isahin o ang consolidation ng mga kaso.

Inaasahan na kasunod ng paghahain ng kaso ay ilalabas naman ng korte sa loob ng 10 araw ang ‘warrant of arrest’ laban sa mga ‘respondents’ ng kaso.