oath taking of CJ Peralta
oath taking of CJ Peralta/ Sen. Bog Go image

Nanumpa na sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte si Chief Justice Diosdado Peralta.

Isinagawa ang panunumpa ng ika-26 chief justice sa MalacaƱang na dinaluhan ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulo.

Ayon kay presidential spokesperson Salvador Panelo, hiniling ng pangulo kay Peralta na dapat tiyakin nito ang pagiging patas at totoo.

Nararapat aniya ang pantay na pagtrato sa mga tao anuman ang estado nito.

Magugunitang itinalaga ng pangulo si Peralta sa puwesto kapalit ng nagretirong chief justice Lucas Bersamin.

Naging Sandigan associate at presiding justice si Peralta mula 2002 hanggang 2008 noong panahon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.