Hinimok ng isang grupo ng mga lider ng mag-aaral ang Commission on Higher Education (CHED) na magpataw ng moratorium sa tuition at school fee hike para sa susunod na academic year sa mga pribadong paaralan.
Ito ay sa gitna ng mga pamilya na nahihirapang makayanan ang bayarin dahil sa mataas na inflation at kakulangan sa trabaho.
Sa isang pahayag, sinabi ni National Union of Students of the Philippines (NUSP) spokesperson Joshua Aquiler na ang pagtaas ng matrikula ay maaaring higit na makapinsala sa mga mag-aaral na nahihirapan nang mabuhay dahil karamihan sa kanila ay mula sa mga pamilyang may limitadong mapagkukunan ng pera.
ANiya, hindi pa nakakabangon ang ating bansa mula sa krisis sa ekonomiya na dulot ng pandemya ng COVID-19 at nahaharap pa rin sa mataas na inflation.
Kung matatandaan, lumamig ang inflation rate noong Marso hanggang 7.6% mula sa 8.6% na naitala noong Pebrero, ngunit nahuhuli pa rin ito sa inflation target range ng bansa na 2% hanggang 4% ngayong taon.
















