Cesar Montano
Cesar Montano/ IG post

Mariing pinabulaanan ni Cesar Montano na binayaran ng gobyerno ang pagtungo nito sa Russia kasabay sa biyahe ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa actor, na kusang loob ang pagtungo nila sa Russia at walang gastos ang gobyerno.

Dagdag pa nito na ginawa nila itong libre para magbigay saya sa Filipino sa Russia.

Magugunitang isa lamang ang actor na kasama sa biyahe ng pangulo sa Russia kasama sina Philip Salvador at mga komedyanteng Moymoy Palaboy.

Nauna na ring pinabulaanan ng Palasyo na binayaran nila ang biyahe ng mga artista sa Russia.