-- Advertisements --

Napili si The Voice USA champion Sofronio Vazquez na kakanta ng Lupang Hinirang sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kinumpirma ng Malacañang ang pagkapili sa Filipino tenor na si Sofronio para sa SONA sa darating na Hulyo 28.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na isang malaking karangalan ang dinala ni Vazquez dahil siya ang kauna-unahang Filipino at unang lalaking Asyano na nagwagi sa American talent show na The Voice USA season 26.

Tubong Misamis Occidental si Vasquez at ngayon ay naninirahan na sa Estados Unidos.