-- Advertisements --
Nakuha ng Boston Celtics ang unang panalo sa NBA semifinals laban sa defending champion Toronto Raptors 112-94.
Nagtala ng tig-21 points sina Jayson Tatum at Marcus Smart habang mayroong 18 points at 10 assists naman si Kemba Walker para madala ang Celtics sa unang panalo sa Eastern Conference semifinals.
Nag-improve ang Celtics 4-1 laban sa Raptors ngayong season kung saan walang anumang team ang tinatalo ng mahigit na dalawang beses ang isang defending champion.
Hindi naman umubra ang ginawang 17 points ni Kyle Lowry, 15 points mula kay Serge Ibaka at 13 points mula kay Pascal Siakam.
Mula pa sa unang quarter ay hawak na ng Celtics ang kalamangan at hindi na nakaporma pa ang NBA defending champion.