CEBU CITY — Nagbabala ang Cebu City Emergency Operations Center na maaring ibalik sa lockdown ang buong lungsod ngayong Pasko kung aakayat uli ang mga nahawaan ng COVID-19.
Unang sinabi ng EOC Deputy Chief na si Coun. Joel Garganera na nakakabahala o “alarming” ang bilang ng mga nahawaan ng coronavirus kung saan naitala ang 28 na new cases noong nakaraang araw.
Batay sa pinakahuling case bulletin ng Department of Health (DOH)-7, nasa 196 ang active cases ng COVID-19 sa buong lungsod ng Cebu.
Ngunit giit ngayon ni Vice Mayor Michael Rama na hindi umano nagkulang ang City Council sa Executive Department kung COVID-19 response naman ang usapan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay Rama, sinabi nito na kailangan pang palakasin ng City Government ang mga hakbang upang ipatupad ang health protocols ngayong maluwag ang quarantine restrictions sa lungsod.
Payo ngayon ng bise-alkalde sa mga kababayan na kailangang sumunod sa mga protocols upang hindi mahawaan ng nakamamatay na virus.