-- Advertisements --

Bahagyang nakabawi ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng trading bago ang deklaradong mga holiday ngayong Semana Santa 2026.

Naitala ang closing record sa P60.160 kada US dollar, mas malakas kumpara sa all-time record low na P60.74 kahapon ng hapon.

Gayunman, ayon sa mga financial analyst, hindi pa rin dapat maging kampante dahil nananatili ang mga salik na maaaring muling magpabagsak sa halaga ng local currency.

Nilinaw din nila na hindi puro negatibo ang epekto ng mahinang peso value, dahil nagiging pabor ito sa mga pamilyang nakakatanggap ng remittances mula sa ibang bansa.