Binigyang-diin ni House Speaker Bojie Dy III ang kahalagahan ng pagkakaisa at panibagong simula sa kanyang pahayag para sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay ngayong araw.
Sa kanyang mensaheng “Siya ay Nabuhay!”, tinawag ni Dy ang okasyon bilang isang simbolo ng tagumpay ng liwanag laban sa dilim at ng buhay laban sa kamatayan.
“Ito ang araw ng panibagong pag-asa: paalala na may bagong simula para sa bawat isa,” pahayag ng lider ng Kamara.
Ayon kay Dy, ang muling pagkabuhay ni Kristo ay dapat magsilbing inspirasyon upang punuin ang puso ng mga Pilipino ng pananampalataya at pag-isahin ang bansa bilang isang komunidad.
Hinimok din ng Speaker ang publiko na magpatuloy sa pagharap sa mga hamon ng buhay nang may tunay na malasakit sa kapwa at matibay na pag-asa para sa kinabukasan.
Ang mensaheng ito ay inilabas kasabay ng pakikiisa ng buong bansa sa pagtatapos ng paggunita sa Mahal na Arau at sa masayang pagsalubong sa Pasko ng Pagkabuhay.















