Naglabas ng cease and desist order ang Securities and Exchange Commission (SEC) kontra sa 19 na mga online lending apps.

Ayon kay SEC Commissioner Kelvin Lee, lumabag ang nasabing mga lending apps sa Securities Regulation Code at sa mga batas ukol sa Lending Company o Financing company.

Narito ang mga inisyuhan ng cease and desist order:

Instant Pera
QuickPera
Lendmo Philippines
Binixo
CashBus
Cashcat
Cashuttle
Crazy Loan
Flash Cash
Happy2Peso
Hatulong
MeLoan
Money Tree Quick Loan
Pera Express
Pera4u
Peramart
PesoLending
QuickPeso
Umbrella

Una nang pinag-iingat ng SEC ang publiko ukol sa modus operandi ng mga pekeng lending firms na makikita sa internet.

Sinabi ng SEC, dapat munang i-beripika kung rehistrado ito at sertipikadong magpautang sa website ng komisyon bago makipag-transaksyon sa mga ganitong uri ng kumpanya.