CLEVELAND – Ipinahiya ng Atlanta Hawks ang NBA defending champions na Cleveland Cavaliers ng harap pa naman ng teritoryo nito, 114-100.

Ang panalo ng Hawks ay sa kabila na ipinahinga nila ang kanilang center na si Dwight Howard at tatlong iba pang mga starters na sina Paul Millsap, Kent Bazemore at Dennis Schroder.

Sinamantala ng Hawks ang mistulang kulang sa enerhiya na Cavs, bagay na labis na ikinadismaya ni LeBron James.

Nagtataka naman si James dahil nito lamang nakalipas na araw ay nagpakita sila ng “best game” upang idispatsa ang karibal sa top spot na Boston Celtics.

Nagtapos sa game si LeBron na may 27 points na tinulungan ni Kyrie Irving ng 18.

Nanguna naman sa opensa ng Hawks si Tim Hardaway Jr. na umiskor ng 15 poinst sa fourth quarter lamang mula sa kanyang kabuuang 22 points habang si Mike Dunleavy ay nagdagdag naman ng 20 points.

Sa ngayon umusad na sa ikalimang puwesto sa Eastern Conference ang Hawks (41-38) at nalampasan ang Bucks.