Labis na ikinagulat ng buong Cleveland Cavaliers ang biglaang pag-trade ng koponan kay Filipino-American guard Jordan Clarkson patungong Utah Jazz.

Bago ito, pumayag na raw ang Jazz na i-trade sa Cavs si guard Dante Exum at dalawang second-round picks bilang kapalit ni Clarkson.

Ayon kay forward Kevin Love, nasaktan daw ito sa nasabing balita lalo pa’t naging matalik na nitong kaibigan si Clarkson mula nang lumipat ito sa team galing Los Angeles Lakers.

Kuwento pa ni Love, mababanaag din sa mukha ng kanyang mga teammates na hindi nila kagustuhan ang nangyari.

“There are some that hurt, especially when you have no idea,” wika ni Love. “It’s not like they need to tell me, it just hurts. They don’t owe me anything. Doesn’t make it easier.”

Gayunman, wala raw silang magagawa kundi tanggapin ito dahil naiintindihan naman nila ang kalakaran sa liga.

Batay sa source, nagkaroon daw ng kasunduan ang dalawang teams matapos ang laro ng Jazz kontra sa Miami, at laban ng Cavs at Atlanta.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here