-- Advertisements --

Nakatakda ang isang all-or-nothing Game 7 sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at Detroit Pistons sa Eastern Conference semifinals, kung saan ang mananalo ay uusad sa East Finals kontra New York Knicks.

Dumating sa Game 7 ang serye matapos magpalitan ng panalo ang dalawang koponan, kabilang ang mahalagang Game 6 win ng Pistons sa score na 115-94 upang pilitin ang deciding game sa kanilang home court.

Parehong may kasaysayan sa pag-eliminate sa game ang dalawang koponan—ang Pistons ay hindi basta natitinag sa Game 7 appearances mula pa noong 1990, habang ang Cavaliers naman ay walang talo sa Game 7 mula 2016, kabilang ang ilang panalo sa road games.

Aminado ang Cavaliers head coach Kenny Atkinson na magiging mahirap ang laban ngunit tiwala siyang handa ang kanyang koponan matapos maabot ang sitwasyon. Giit naman ng guard na si James Harden, kailangang maging disiplinado at consistent sa buong laro upang makuha ang panalo.

Sa kampo ng Pistons, ipinakita ni guard Cade Cunningham ang kumpiyansa ng koponan, habang pinuri naman ni head coach J.B. Bickerstaff ang kanilang magandang laro at kakayahang bumangon sa pressure situations.

Inaasahan ang isang dikdikang laban sa Game 7 kung saan isang koponan lamang ang uusad sa championship series ng Eastern Conference.