Humihingi ng P10- milyon na danyos si 2018 Miss Universe Catriona Gray sa tabloid na Bulgar dahil umano sa pagsira ng kaniyang reputasyon.

Kasunod ito ng paglatahala ng tabloid ng pekeng ‘nude’ pictures ng beauty queen.

Sinabi ng abogado ni Catriona na si Atty. Josabeth “Joji” Alonso isinampa na nila ang cyber libel at libel sa Bulgar Facebook page administrators, editor na sina Janice Navida at writer na si Melba Llanera.

Dagdag pa ni Alonso, bilang kilala si Catriona at isang nagdala ng karangalan ng bansa.

Bukod aniya sa danyos ay hiling din ni Catriona ng public apology sa nasabing tabloid.

Hindi naman tinanggap ng pamunuan ng tabloid ang demand letter dahil wala umano ang mga taong inirereklamo sa opisina.
Pagtitiyak naman ng abogado ni Catriona na gagawin nila ang lahat ng legal na paraan para mapanagot ang nabanggit na tabloid.