Catriona Gray
Catriona Gray’s room

Naguguluhan umano si 2018 Miss Universe Catriona Magnayon Gray na maghanda ng mga dadalhin sa pag-uwi sa bansa ngayong Hunyo.

Mixed emotion daw kasi siya ngayong ililipat na ang korona sa susunod na magiging kinatawan ng Pilipinas para sa Miss Universe beauty pageant.

Kinunan pa ng video ni Catriona ang mga bagahe nito na nakalapag sa kama.

Aniya, ang pinakamahirap sa pagbyahe ay ang pagpili ng mga bibitbitin at kung ano ang maiiwan.