-- Advertisements --

NAGA CITY- Nakapagtala na ng casualty sa probinsya ng Camarines Norte habang habang tatlo naman ang kasalukuyang nawawala matapos ang pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Sa datos ng Office of the Civil Defense mula sa rehiyon Bicol napag-alaman na kinilala ang namatay na si Avelino Cabanela, 68-anyos residente ng Barangay Bagasbas, sa bayan ng Daet.

Nabatid na wala ng buhay ng matagpuan ang naturang biktima mula sa bubong ng kanilang bahay.

Samantala tatlo katao naman ang naitalang nawawala na kinilalang sina Jessy Boy Alvarez, 33-anyos, Rolando Alvarez, 48-anyos at Bobby Roderick Masaya,19-anyos mula sa Brgy. Pinagtigasan, sa bayan ng Vinzons.

Maliban dito isa katao rin ang naitalang nasugatan na kinilala namang si GIenn Isaac, 38-anyos residente ng Purok 4, Brgy , Mercedes mula sa naturang probinsya.

Sa ngayon ilang bayan na sa naturang probinsya ang nawalan na rin ng linya ng communication dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Ulysses.