-- Advertisements --

Walang balak na tumakbo sa anumang mataas na posisyon sa 2028 election si Naga City Mayor Leni Robredo.

Ayon sa dating Bise Presidente na marami pa rin itong mga trabahong naiwan sa kaniyang lungsod.

Giit nito na hindi ito magtatakbo sa anumang national na posisyon.

Nagng maiiksi lamang kasi ang tatlong taon na pamumuno nito bilang alkalde ng Naga.

Aminado ito na maraming mga humihikayat sa kanya para tumakbo sa mataas na posisyon subalit nakalaan ang kaniyang atensiyon ngayon sa pagtugon sa mga kinakaharap ng kaniyang mamamayan.