Inatasan na ng Sandiganbayan ang pagpapalaya kay dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Kasunod ito sa tuluyang pagbasura sa mga kaso laban sa dating kalihim.
Sa nasabing kautusan na pirmado ng Sandiganbayan Fifth Division ay inatasan ang Philippine National Police (PNP) General Hospital na palayain na si Bonoan.
Una ng ipinag-utos ng Office of the Ombdusman sa Sandiganbayan na tanggalin si Bonoan bilang co-accused ni Senator Jinggoy Estrad at ilan opisyal dahil sa anomalya sa flood control projects.
Plano kasi ng Ombudsman na gawing state witness sa flood control anomalies.
Mula pa noong Hunyo kasi ay nasa kustodiya na ng PNP General Hospital si Bonoan matapos na ilabas ang kaniyang warrant of arrest mula sa Sandiganbayan.
Humiling ito ng hospital arrest dahil sa karamdaman nito kabilang na ang chronic kidney disease at prostate cancer.
Sinabi naman ni PNP Public Information Office chief PCol.Allen Rae Co, na sa umaga ng Biyernes, Setyembre 4 ay posibleng makalaya na ang dating kalihim dahil kailangan nilang usisahing mabuti ang ilang dokumento bago ito makalabas sa kanilang kustodiya.








