ofws kuwait Dole dswd
Returning OFWs from Kuwait (file photo from DOLE)

Tumaas ng 3.2 percent sa unang anim na buwan ng 2019 ang cash remittances mula sa mga overseas Filipino workers (OFWs).

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mayroong $14.6 billion o mahigit P73 billion ang kabuuang remittances mula Enero hanggang Hunyo.

Nanguna ang mga OFWs mula sa United States bilang pinakamalaking sources ng remittance na sinusundan ng Saudi Arabia, Singapore, United Arab Emirates, United Kingdom, Japan, Canada, Hong Kong, Germany at Qatar.

Bumaba lamang ang cash remittance noong Hunyo na mas mababa ng 2.9 percent o $2.3 billion kumpara noong June 2018 na ang itinuturong dahilan ay ang mababang remittances mula sa Saudi Arabia at Qatar.

BSP BANGKO SENTRAL
BSP headquarters Manila

“Cash remittances sent by land-based workers rose by 1.8 percent year-on-year (y-o-y) to US$11.4 billion, and transfers from sea-based workers grew by 8.7 percent y-o-y to US$3.2 billion. For June alone, however, cash remittances posted a 2.9 percent decrease to US$2.3 billion in 2019 from US$2.4 billion in the same period a year ago. This was attributed to the 5.4 percent y-o-y drop in cash remittances from
land-based workers, which was mitigated by the 6.3 percent increase y-o-y in transfers from sea-based workers,” bahagi pa ng statement ng BSP. “The countries that contributed to the decline In June 2019 were Saudi Arabia and Qatar.”